top of page

TRIPPY. It comes from the word "Triplets" which means... i-google niyo na lang hehe. Tatlo kasi sila, kaya triplets. At naging TRIPPY para may pagka-arte sa pagbigkas. Oh diba? Conyo eh. This an endearment, callsign and whatever ng tatlong NAGGAGANDAHAN at NAGSESEXIHAN na kababaihan. (Don't complain, ganiyan talaga sila. Hahaha.) Sila ay sina Doll, Silver and Ice.

 

Nagkakilala sila sa pinakasikat na electronic book source ng bayan, ang may kulay orange na outline ng puting dabalyu, WATTPAD. Sa una, may hiya-hiya factor pa na "let's be friends", "can we be friends?". "FC here!". Mga kaechosan pero sa huli, ayun ang kakapal ng balat para ipangalandakan ang kagandahan raw nila. XD

 

Madalas silang nagbabaliwan, bangayan, usapan, echosan sa kung saan-saan. Basta kung saan magstart 'yung conversation, matagal bago matapos. Pwedeng sa comments/suggestions area ng isang istorya, message board sa profile, chat box sa FB at inbox messages ng cellphone (Salamat sa Globe/TM).

 

GREENY. It comes from the word "Green" which means green. Hahaha. Bakit green? Kasi berde ang mga neurons ng tatlong 'yan. Kung tutuusin, pati nga ata dugo nila berde na eh. Pero hindi ibig sabihin na may lahi sila ng kaberdehan ay 'bastos' na sila. Iba pa rin ang 'bastos' sa 'green-minded' lang. Naniniwala sila na wala namang masama sa pagiging bukas sa ganoong usapan, basta ang importante, mahalaga. Este, basta ang importante, hindi nakakasama't dapat ay ginagamit sa tama. Oh hah! Defensive.... >:)

 

At dahil nga sa lahing kaberdehan, pare-pareho silang gumamit/gumagamit/gagamit ng genre'ng Non-Teen Fiction with matching Romance pa 'yan na istoryang ibinahagi/ibinabahagi/ibabahagi sa Wattpad. May mga eksena sa istorya nila na hindi ipinapayong ipabasa sa mga baby pa. Pero hindi ibig sabihin nun na puro ganoon lang ang istorya nila. Syempre, may mapupulot pa ring 'gintong aral' doon. So ngayon alam niyo na kung bakit nagkakasundu-sundo ang tatlong 'yan?

 

TRIVIA: Mayroon silang luma/iba/nauna pang account bago nila gamitin 'yung mga accounts na ginagamit nila ngayon. ;) Ayaw kasi nilang may makakilala sa kanila. Baka pagkaguluhan sila't mapagkamalang artista. Mahirap na..... *grins* At sila-sila lang ang nakakaalam 'nun. :P

 

TRIVIA: Bukod sa 'TRIPPY' na tawagan nilang tatlo, may iba pa silang tawagan. Doll and Silver > BAKLA/GERLPREN. Silver and Ice > MEAR. Ice and Doll > KAMBAL/TWINNY/PRENGSTER.

 

 

 

bottom of page